Saturday, July 11, 2009

Cathartic Saturday Part 1: Dharma Cab Guru Karma Cocky You

Let me speak of the beginning.

Took a cab on my way to the library to borrow/return/photocopy some books this morning.
(saturday is the only time i could go sa library)

Driver: "Estudyante po ba kayo?, May pasok ng sabado?"

"Wala po, mag-lilibrary lang"

"Anong course niyo?"

"ah MA po ako"

"gradweyt na? tapos nag-aaral ka pa ulit?"

*no reply

"sabagay ganyan naman kasi pag mayayaman"

*wish ko lang manong na ganun ang buhay ko.
yung binabayaran ni mommy yung condo ko sa salcedo habang
nag-eeMBA o law ako sa Ateneo rockwell

"Ako po nagpapaaral sa sarili ko, nagtratrabaho po ako"

"Law po kayo nuh?"

*Geez manong wat gave it away? my big granny bag of borrowed books and my trusty bookrest?

"hindi po, literature"

*i didn't bother to see if he made the baffled look.

"siguro ang talino niyo po, taga-UP kayo eh"

*Paano niyo sinasagot ito? kapwa kong mga iskolar ng bayan?
hindi nga, I want to know.

***
it hit me.
i'm lucky
for my kind at least.

Thus, I think I've come to a pseudo-marxist-lacanian reason for why am I taking grad skool. Besides the fact na I like books and shit.

at sinabi yun ni Culler(in describing an aspect of lit):

"Literature has been the activity of a cultural elite, and it has been what is sometimes called 'cultural capital": learning about literature gives you a stake in culture that may pay off in various ways, helping you fit in with people of higher social status"

shet. I fit it kasi, ito ba tlga ang rason? deep inside?
at sa sobrang pag-suppress ko sa thought na ito eh, nag-mamanifest na ito sa ibang paraan.

tulad nalang ng pagka-irita/pag-kaasar ko minsan kung nakikita ko ang pagka-payak ng pag-iisip ng aking ina? O ang hasty generalized--pastiche "common knowledge" ng aking ama sa mga current events? O sa simpleng iritableng sagot ko pag tinatanong niya kung ano ang ginagawa ko sa skul?

bakit?

is it because nakikita ko ang lower (lower) middle class background ko sa mga gawain nila?


huwaw
Ayos rin ako nuh?
tigas ng mukha.

Nakapagbasa-basa lang eh sobrang feeling na.

samantalang sa kangkungan din lang niya pinupulot yung mga pangarap niya dati

Hindi.

hindi ito pwede maging rason, o ang tanging rason.

intellectual-social climbing lang ba?

***

wtf

No comments: