Tuesday, November 16, 2010

Study Making

It's funny. Bagong salta palang ako sa Fine Arts nun, tapos sinabi samen ng prof ko sa visual perception na gumawa kami ng "studies" para sa mural project namin.

Kumunot ang noo ko nun, hindi rin kasi ako sigurado sa ibig sabihin ng prof ko, ayoko namang magtanong sa katabi dahil baka isipin niya ang tanga ko naman kaya umasa nalang ako na makukuha ko siya through "context clues" LOL Pero eventually naintindihan ko rin ang ibig sabihin ng prof ko-ibig sabihin pala ng study eh ganun--study sa sa sining, labo.

Paggawa ng studies--Preliminary design/creation normally isang sketch o thumbnail / proposal

Nakakatamad. Yun yung tingin ko sa proseso na ito nung undergrad palang ako. Bakit ba hindi pwede na from mind to medium na kaagad ang paggawa ng sining, after all its Art right? Minsan may mga propesor pa kami na sobrang dami magpaggawa ng studies--at kahit banye-banyerang studies na ang ipakita mo, hindi rin naman garantiya ito na may mapipili sa mga naggawa mo.

Nakakapanghinayang lang kasi kung meron mang pagkukulang yung kolehiyo ko nun (o baka kasalanan ko rin) eh yung hindi napukpok sa sarili ko ang disiplina sa sarili sa paggawa--ang fine arts bilang isang craft na bukod sa paglinang ng creativity at technique eh kailangan din ng "disiplina" o proper work ethic.

Pero malay ko ba, postmodern na, iba-iba ang experiences sa creative process--ngunit siguro kayo ko na rin na-demonize yung study making kasi I closely associated it with Profs and institutions--ngunit ngayong wala na ako sa fine Arts at naghahanap buhay bilang isang artist--dito ko nakita na mahalaga ang study making. Dahil ito na yung pagkakataon mo na ma-edit yung sarili mo. Alam niyo kasi madali ma-fall sa trap na sa tingin mo ang unang gawa mo palang eh super ganda na, lalo na KUNG tingin mo talaga eh napakahusay nung 1st study mo, ground breaking! (Oo may ganitong conceit tlga ang mga artist)

Pero marerealize mo na sometimes kapag pinilit mo yung sarili mo na gumawa ng ibang atake--dun ka makadidiskrube ng mas maganda o mas interesting na dibuho/art/etc. Dahil yun na naman tlga ang pagiging artist diba? Its not really about being satisfied with the first try, kundi constant editing, constant critiquing na nagyayari all the time, kahit tapos na yung aesthetic object.

Mabuhay ang sining.

No comments: