napatakbo ako ng SC biglaan kahit malakas ang ulan kasi ang lecheng dilnet network eh blinock ang yousendit na site. GRRR
may kailangan pa naman kaming i-edit na manuskrito ngayon. Yung literary journal na dapat i-launch sa disyembre. pero ayos lang. iniisip ko para sa philippine literature ito--pero yun lang minsan nakakainis kapag iisiping mong hindi naman ganun kalaki ang kita...ngunit at least pag iniisip ko na para sa cause ito na malapit sa puso ko--ok lang.
yun nga lang maganda rin sana na may pera kahit hindi ganun kasagana. unang pasko ko kasi ito bilang isang irregular na empleyado--kaya mahirap kapag nakakakita o nakakakinig ng usapang bonus pati 13th month pay. LOL! pero tapos na: hindi ko nalang isipin ang tiba-tiba kong bonus na makukuha kung nasa luma kong kumpanya pa ako--pero ganun talaga--sabi nga ni Orwell dogs na kung dogs
but i can stand it.
astig tlga ng panitikan.
Tuesday, November 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment